Before I Get Myself Drunk: Things That 2014 has Taught Me.

In more ways than one, 2014 is one hell of a ride. At times, it made me sober; at other times it made me a slobbering mess. Either ways, I’m raising my glass to the people and experiences that allowed me to become who I am today.

Note: From here on, this post will be written in Taglish. Masyadong emosyonal.

1. Totoo ang Law of Equal Exchange (a.k.a. “action-reaction rule”, “karma”, “two-graves-are-dug” at kung anu-ano pang legendary/mythical/scientific term na nagsasaad na sa bawat bagay na naisin o piliin natin, may kaakibat itong katumbas na kapalit). Gusto mo na bang maka-move on sa lahat ng hs baggage? Okay lang. Basta kaya mo ring putulin ang relasyon with your longtime hs buddies kapag iyon ang hiningi ni Equal Exchange. Medyo malupit sa akin si Equal Exchange sa aspetong ito. Pero hindi ko naman siya masisi. Tama lamang ang hiningi nyang kapalit. Hindi sobrang mabuti pero hindi rin sobrang sama ang resulta. Ganoon talaga.

2. Pansamantala lang si ❤ FOREVER <3. Isa at kalahating academic year lang yan *ahem, ahem*. Nasa sa iyo na iyon kung gusto mong forever mabuhay sa alaala o maniwala sa isang kasinungalingan o tumalon nalang sa riles ng LRT. Kamuntikan ko nang gawin yung panghuli though. Pero on the bright side, maganda din naman na debunked ang konsepto ni ❤ FOREVER <3. Isipin natin, kung totoo ang “eternity” sa ating mga mortal, edi malamang mala-twilight ang lahat ng relasyon natin: Boring. Lahat ng crucial at madadramang events ng isang relasyon ay maaaring ipagpaliban dahil may bukas at kinabukasan pa naman. Walang crisis na, “Hala! Baka huling pagkakataon ko na itong sabihin kay X na… tumblr_lnapzptpiC1qg0io3o1_500 3. You need to toughen up if you want to make it to the adult world. Kasama na dito ang paggising ng madaling araw at pagligo ng nagyeyelong tubig para lang makaabot sa unang klase. Kung dati, nakakatakas pa ako kay (insert prof here), ngayon hindi na talaga. Bawas sahod. Medyo problematic din sa akin itong lesson na ito. For one, di naman talaga ako tough girl. Ako nga yung “bebe girl” sa class eh. Ako yung constant iyakin na medyo suicidal passive-agressive girl. Pero shet, darating pala talaga sa point ng isang tao na marerealize nya na enough is enough. So this goes to all my students who talk dirty in my class: Untitled (5) 4. Hindi parin ako apologetic- at hinding hindi ako magsosorry- sa lahat ng childish whims ko- including my sing-song voice. Sabi sakin dati ng PT prof ko, bakit daw parang kumakanta ako habang nagtuturo. Tigilan ko daw dahil hindi daw proper. Eto lang ang masasabi ko:

“Imperfection is beauty, madness is genius and it’s better to be absolutely ridiculous than absolutely boring.” ― Marilyn Monroe

Eto rin siguro ang dahilan kung bakit hindi titser si Marilyn Monroe. Alam ko na darating din ang araw na ma-ooutgrow ko rin yung mga childish antics ko pero alam ko rin na sa kasalukuyan, buhay na buhay pa yung bata na nasa sa akin (aka “le inner child”). I’m going to enjoy this while it lasts. Kaya tang ina niyong lahat, adults. Mabubuhay ito.

5. Minsan, yung true love nasa sarili mo na pala iyan. To date, 21 years old and still- NLSB (No Ligaw Since Birth). Di ko alam kung matutuwa ba ako dito o medyo malulungkot. Pero isa lang naman ang natutunan ko sa anim na taong ginugol ko kakahabol/pagpapakatanga kay X: Ang state of being complete ay hindi lang pala matatagpuan sa piling ng iba. Tama din si Maleficient, yung true love, nasa sarili mo rin pala yan (akala mo lang wala o nawala na)- at yun ang tatapos sa lahat ng curse. vbyui At hindi ko ba nakita ang solusyon sa mga taong ito? 58205_4219728013851_1433213736_n 250809_10150871706710423_239099804_n 427296_3912460709479_1138232218_n 484811_4219768614866_1086783281_n 1234880_10200117368976485_304988041_n 1609660_10202432548846914_402293004_n - Copy 1661986_10200790499644331_1684587049_n 10006342_10200895259023250_309469349_n Snapshot_20120712 Snapshot_20130118_1 Snapshot_20130118_4 Snapshot_20130312_3 Snapshot_20130325 Snapshot_20130325_9 Snapshot_20130325_14 Snapshot_20140311_1 16672_1001131943246405_3108643713113915558_n 988391_749444088406625_563390318_n 1559629_696598087048745_1695394628_n 1932406_749451161739251_448660531_n 10173564_765168203500880_1509956098_n 10301426_10204873958435449_7556318237462365060_n 10600583_330710747106679_2928650988419728282_n 10606089_327203937457360_7813288612784645902_n   To cap everything, ang life lesson ko lang talaga this 2014 ay isang malaking YOLO. May point ang Renaissance forefathers natin- seize each day as if it’s your last. Happy New Year. http://www.youtube.com/watch?v=nfWlot6h_JM

Advertisements