Komplikado Magmahal si Magdalena

Kaluluwa-Katawan.

Ito ang turo sa akin:

Dalawang dimensyong mag-asawa;

Pag nakuha na ang isa,

Ay susunod na rin daw ang pangalawa.

 

Katawan. Kaluluwa.

Ito ako.

Sa bawat pagbuka ng aking mga hita,

Nagtatago ang aking diwa

Sa isang bukod at kakaibang langit.

 

Doon, ako’y iisa.

Malayo sa halik ng katawang umaangkin sa akin.

Malaya sa pag-ibig ng kaluluwang ipinipilit ang sarili sa akin.

 

Katawan-Kaluluwa.

Ito ang nakikita ko sa iyong mga mata

Sa tuwing sinasabog mo ang iyong tamod

Sa aking laman.

 

Ako ay sa iyo, kaya mahal mo ako.

Ako ay sa iyo, kaya kinikilala mo ako.

 

Kaluluwa. Katawan.

Ang pinapaalala ng aking isip

Sa pagpasok ko

sa isa nanamang madilim na idlip.

 

Kalahati lamang ang nasa iyo.

Kalahati lamang ang kilala mo. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s